Sa totoo lang ang pinakamadaling sagot para pumayat…huwag mabibigla napakahirap nitong gawin…ito ay ang pagkakaroon ng “disiplina” sa sarili. Sa kahit ano pa mang bagay na nais mong makamit, ang disiplina ay isa sa mga sangkap na hindi dapat mawala sa listahan. Kung maipapangako mo sa iyong sarili na kaya mong sundin ng may disiplina, dedikasyon at tiyaga ang bawat hakbang para sa
pagpapapayat, ngayon pa lang ay binabati na kita ng congratulations!
pagpapapayat, ngayon pa lang ay binabati na kita ng congratulations!
Ano ba ang pangunahing dahilan ng pagtaba? May iba pa bang pwedeng isagot dito kundi ang sobrang pagkahilig sa pagkain, lalo’t higit sa pagkain ng mga nakakatabang pagkain.
Bakit ba gusto mong pumayat? Malamang dahil ang pagiging mataba ay may dalang di kaaya-ayang pakiramdam sa iyo. Bukod sa hindi mo na magamit ang mga damit na nais mong isuot, nagiging kapansin-pansin din ang iyong pisikal na dating sa iba. (Hindi kaya nakakatuwa na masabihan ka ng, “Ang taba mo.”)Lalo na kung hindi ka naman mataba o overweight dati, ang pagbabagong ito sa iyong katawan ay posibleng may dulot ding panganib sa iyong kalusugan.
Ngunit huwag mabahala, ang magandang balita ay may solusyon naman sa problemang iyan. Pero huwag asahan na papayat ka agad matapos ang isa o dalawang araw. Alalahanin mo na bago naipon ang taba sa iyong katawan ay mahaba ring panahon. Kaya ganun din ang paraan para alisin ito hindi biglaan kundi dahan-dahan.
Narito ang mga paraan upang maging madali ang iyong pagpayat. Ito ay natural at kayang kayang gawin sa bahay. Kung susundin mo ng may sinseridad ang bawat detalye na iyong mababasa sa ibaba, pihadong sa loob ng 30 araw ay may maipagmamalaki ka na ulit na kahanga-hangang katawan. Huwag kalimutan ang pasensya, tiyaga at disiplina sa pagtupad ng pangarap na pagpayat.
1. Burn Fats and Calories
Sunugin ang sobra sobrang taba at calories na nakadeposito sa iyong katawan na hindi kailangan. Para mangyari ito ang pinakaepektib na dapat gawin ay ang mag ehersisyo araw-araw sa loob ng dalawang oras.
Ang pag-eehersisyo ay hindi lang nakapagpapanatili ng malakas na katawan, ito ay hakbang din upang makaiwas sa mga sakit na dala ng pagkakaroon ng sobrang taba.
Iminumungkahi na komunsulta muna sa doktor upang may panuntunan sa pagsasagawa ng uri ng ehersisyo na akma sa iyo. Ibinabase rin kasi sa iyong edad at timbang kung ano ang pinakamagandang ehersisyo na dapat mong gawin.
2. Itigil ang Pagkain ng Fast at Junk Foods
Ang pagkain sa mga fast food chains at pagiging mahilig sa pagkain ng mga junk foods ay nagbibigay ng napakaraming calories at taba sa katawan. Hindi ka makali kapag walang kutkutin na chichirya. At kapag nakapasyal sa mall, fast food ang unang pupuntahan kapag nagutom. Kung gusto mo talagang pumayat ng mas mabilis, iwasan mo na ang pagkain ng mga ito mula ngayon.
3. Umiwas sa Pag-inom ng Carbonated Drinks
Ang soft drinks, packed at bottled juices ay mataas ang calorie kaya malaki ang naiaambag ng mga inuming ito sa pagtaas ng iyong timbang. Huwag ka ng bumili ng mga inuming ito. Kung gusto mong uminom ng juice, maaari kang gumawa mula sa natural na prutas. Masustansya na, mababa pa ang calorie na makukuha.
4. Gawing Regular ang Pagkain ng Gulay
Ang protina, bitamina at fiber na makukuha sa pagkain ng gulay ay magpapanatili sa iyong magandang kalusugan. Gawing habit ang pagkain ng gulay at sigurado ang pagpayat mo.
5. Kumain ng Prutas Araw-araw
Ang prutas ay may halos kaparehong benepisyong dulot gaya ng gulay. Ang bitamina, protina at fiber na makukuha sa prutas ay magpapataas din sa level ng nutrisyon na kailangan ng katawan. Dahil sa mababang calorie ng prutas ngunit maraming sustansya, ang pagkain nito ng tama ay siguradong makatutulong upang ang iyong timbang ay bumaba.
May tamang panuntunan sa pagkain ng prutas. Mainam na kainin ito ng walang ibang kasabay na pagkain maliban kung kaparehong prutas din. Epektib na makakatulong ang pagkain ng prutas sa pagpapapayat kung kakainin ito sa umaga ng wala pang anumang laman ang tiyan. Huwag munang kakain ng ibang pagkain makalipas ang isa hanggang dalawang oras matapos kumain ng prutas.
6. Huwag Mag-snacks
Ang maya’t mayang pagmemeryenda ay magbibigay lamang ng extra fat at calorie na syang dahilan para mawala ang magandang korte o hubog ng katawan. Kaya kung iiwasan ang mga kutkutin, burgers, chips, cookies, street foods, atbp., malaki ang mababawas na taba, healthy ka pa.
7. Iwasan ang Paggamit ng Asukal
Ang asukal at matatamis na pagkain na nilagyan ng asukal ay isa rin sa nagbibigay ng extrang taba sa katawan. Dapat maging habit ang pag-iwas sa asukal. Kung nais uminom ng tea o natural fruit juice huwag ng lagyan ng asukal. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagdagdag ng iyong timbang.
8. Bawasan ang Pagkain ng Maalat
Ang maaalat na pagkain ay sinasabing nakapagpapataba. Marahil dahil kapag malasa ang pagkain ay talaga namang masarap at nakakagana. Bukod pa rito, napatunayan na ang sobrang sodium daw ay nakakadagdag ng timbang, kaya sikaping bawasan ang asin na inilalagay sa pagkain.
9. Huwag Maging Tamad
Walang silbi ang lahat ng rekomendasyon na nasa itaas kung hindi mo ito susundin dahil sa tinatamad ka. Kailangan mong magbigay ng extra effort, dedikasyon at disiplina para magawa ang mga bagay na makakatulong sa iyong madaling pagpayat.
Huwag nang gumamit ng escalator o elevator kung maaari. Ang paglalakad ay napakaganda rin sa katawan, kaya’t sikapin itong gawin araw-araw.
Tandaan na ang mga paraan ng pagbabawas ng timbang na nabanggit sa itaas ay unti-unti. Huwag malulungkot o agad susuko kung nababagalan ka sa resulta.
Sa totoo lang, madali ang magbawas ng taba. Ang mahirap ay ang mapanatili ang iyong katawan sa maganda at malusog nitong anyo. Madalas kasi kapag pumayat na, kinakalimutan na ang mga bilin na dapat at patuloy na ginagawa.
Gawin mo ng strikto ang mga sinabi ko sa loob ng (30)tatlumpung araw at ikumpara mo ang mga pagbabago na iyong nakamit mula sa unang araw.
Sana ay makatulong ito sa iyo. Hangad ko ang isang malusog, malakas, matibay na resistensya at magandang katawan ay iyong makamtan.
I am really surprised by the quality of your constant posts.
ReplyDeleteHi. Sir.. You really are a genius, I feel blessed to be a regular reader of such a blog Thanks so much.. -অনলাইন ইনকাম💕💋 fonts copy paste
muchWhat is love?